This information relates to the 2022 Federal Election and may no longer be current. 

Greens Policy Platform – latest announcements

Makapangyarihan ang iyong boto

In-Language / Tagalog · Filipino

Mahalaga talaga ang eleksyong ito.

Dumaranas tayo ng pandaigdigang pandemya, lumalala ang krisis sa klima, at tumataas ang presyo ng lahat.

Habang ang milyun-milyon sa atin ay hirap na hirap magbayad ng mga gastusin, ang mga bilyonaryo at malalaking korporasyon ay kumikita nang labis-labis at hindi nagbabayad nang patas sa kanilang buwis.

Ang Liberal at Labor ay tumatanggap ng milyun-milyong donasyon mula sa mga bilyonaryo at malalaking korporasyon. Ang Greens ay hindi tumatanggap ng malalaking donasyon, inuuna namin ang komunidad.

Kung may pagbabago na kahit ilang daang boto lamang, maaaring nasa balanse na ng kapangyarihan ang Greens.

Ang plano ng Greens ay:

  • Ang mga bilyonaryo at malalaking korporasyon ay magbayad nang nararapat sa kanilang buwis,
  • Makasama sa Medicare ang libreng kalusugan ng ngipin at kaisipan,
  • Gawing mas abot-kaya ang pabahay at
  • Tanggalin ang karbon, langis at gas, at palitan ito ng renewable energy.

Haharapin ng Greens ang rasismo. Magpapasa tayo ng isang Kasunduan sa mga tao ng First Nations. At, sisiguruhin namin na lahat ay may pareho-parehong mga karapatan.

Samahan mo kami, upang ang lahat ay magkaroon ng magandang kinabukasan.

Together, we’re powerful.

We have a plan to reduce the cost of living, make housing more affordable, tackle the climate crisis, and make sure everyone is looked after.

We'll take on the big corporations, stop them ripping you off, and and tax them to fund the things that everyone needs. The Greens are fighting for you.

Greens plan information in-language:

Pinahintulutan ni Matthew Roberts and Willisa Osburn, The Greens, 2/18 Lonsdale Street, Braddon ACT 2612.